10 days challenge

10 days challenge, day 3 kaninang 6:00 am nag simba ako kasama ang pamilya ko pag dating namin sa simbahan napakaraming tao at napaka raming nag titinda ng candila kaya tinanong ko ang aking nanay โbakit ang daming nag titinda ng kandila meron bang pagdidiriwang na ma gaganapโtapos sabi ng nanay ko na pinag didiriwang kasi natin ngayon ang โCandelariaโ o โCandlemas dayโ inexplain sakin ng nanay ko kung ano ang candelaria pero sa pag kaka intindi ko ay ito ang pag didiriwang sa purifikasyon natin sa pag ka buhay ng batang Jesus.
Pag ka labas namin ng sasakyan agad na sumalubong ang mga candle vendors at nung pag tingin ko sa kaliwa merong 2 bata at 1 matanda na hindi pa masyadong nakakabenta kaya sinabi ko sa nanay ko na doon nalang sa kanila bumili kaya binili ng nanay ko yung kalahati ng kandila na kanilang binibenta ibibigay sana namin sa kanila ang sukli kaso maliit lamang ang dala naming pera kasi mag bibigay pa kami sa offertory ng simbahan at bibili pakami ng bulaklak para sa altar. Hindi man kami nakapag bigay ng pera sa kanila meron din naman kaming naitulong sa kanila kasi naka benta na sila ng marami kasi marami ang nakakakilala sa nanay ko kaya nung bumili ng maraming kandila yung nanay ko sakanila sumunod narin yung ibang kilala bg nanay ko kaya marami ng benta yung vendor nayun. Kahit sa aming maliit na paraan para maka tulong marami na rin yung maidudulot na mabuti sa iba o malaki narin ang na itulong namin sa kanila kasi ma bilis na ubos ang kanilang paninda.
At doon na natatapos ang day 3 ng aking 10 days challenge sana ay na inspire ko kayo na tumulong sa iba sa kahit na anong paraan na alam mo kahit ito ay maliit na bagay o malaki ang importante ka naka tulong ka sa kanila ng taos puso at hindi para sa paningin lamang ng ibang tao.
#SeniorsInAction

